Patay ang dalawang pulis matapos silang tambangan sa Lambayong, Sultan Kudarat.

Sa ulat ng Balitanghali nitong Miyerkoles, lumabas sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya na bumibiyahe ang mga biktima sakay ng motorsiklo.

Pagdaan ng mga biktima sa bahagi ng Barangay Tinumiguis, doon na sila pinagbabaril ng mga hindi matukoy na mga salarin na armado ng M16 rifle.

Agad na nasawi ang mga biktima.

Patuloy na inaalam ang motibo sa krimen. — Jamil Santos/VBL GMA News