Nasawi ang isang mag-live-in partner sa Cebu City nang bumabangga sa poste ang sinasakyan nilang motorsiklo matapos na iwasan ang isang sasakyan.

Sa ulat ng GMA News Unang Balita nitong Huwebes, makikita sa kuha ng CTCV camera sa pakurbadang bahagi ng isang kalsada sa Barangay Busay na may iniwasan ang mga biktima na kasalubong na sasakyan.

Sa kanilang pag-iwas, bumangga ang sinasakyan nilang motorsiklo sa isang poste.

Sa lakas ng pagkakabangga, umikot sa ere ang motorsiklo at tumilapon ang mga biktima.

Wala nang buhay ang mga biktima nang madatnan ng mga awtoridad.

Ayon sa pulisya, napaglaman na ikakasal na dapat ang dalawang sa darating na Setyembre.

Sinisikap pang makuhanan ng pahayag ang mga kaanak ng mga biktima, ayon sa ulat.—FRJ GMA News