Do you think it's fine na hanapin ang "forever" o ang "the one" sa pamamagitan ng internet gaya ng social media o dating apps?
Ito ang tinalakay sa segment na "Sharing Group" ng programang "Mars" nitong Martes, kung saan nagbigay ng kani-kanilang pananaw ang cast ng "Get Ready It's a New Day" (G.R.I.N.D.) na sina Bruno Gabriel, Benedict Campos, Jazz Ocampo, and Ayra Mariano.
Pag-aamin ni Bruno, minsan niya na raw nasubukan ang mga dating apps pero hindi para maghanap ng love life pero para lang makipag-ugnayan.
"Minsan, it works well," kuwento niya at sinabing kadalasan mga nag-aaral sa unibersidad ang gumagamit ng mga dating apps.
Pero dahil may mga 'poser' sa internet, payo ni Bruno, "You never know who you will meet online, so check twice. Be careful."
Para naman kay Benedict, hindi na raw nalilimitahan ang paghahanap ng love life sa mga dating apps dahil puwede na rin sa Facebook at Messenger, at nauuso na rin ang "private messaging."
"It's millenials' kind of thinking na talaga," aniya.
Naniniwala naman si Ayra, na mas maganda pa rin na dapat ay personal na makilala ang isang tao dahil na rin sa mga balita na may mga nanloloko sa online.
Para kay "Mars" host Suzi, mas nararapat ang online dating para sa mga mas "older people" na naghahanap ng kanilang "the one" dahil mas maliit na ang lugar na kanilang pinaghahanapan, na hindi gaya sa mga mas bata na mas marami pang makikilala.
Sa kabila ng modernong teknolohiya ng internet, naniniwala si Jazz na mayroon talagang lalaki na nakalaan para sa kaniya.
"I'll just continue to pray kung saan ako dalhin at kung saan siya ipadala ni God," anang young actress.
Sinegundahan ito ni Ayra na, "Naniniwala rin po ako na mayroon pong taong meant for me, naniniwala po ako sa destiny." --Jamil Santos/FRJ/KVD, GMA News
