Madalas ka bang nakararamdam ng palpitasyon o ang mabilis na tibok ng puso kahit hindi mo naman nakikita si crush, o baka naparami lang ang inom mo ng kape? Panoorin ang video na ito ng "Pinoy MD" tungkol sa palpitasyon at baka senyales na 'yan na kailangan mo nang bumisita sa doktor.

Sa nakaraang episode ng "Pinoy MD," sinagot ni Dr. Rolando 'Oyie' Balburias, Internist,  ang iba't ibang katanungan ng netizens tungkol sa kalusugan gaya ng isang madalas na nakararanas ng palpitation.

Ayon kay Balburias, maraming maaaring maging dahilan ng magbilis na pagtibok ng puso tulad ng metabolic at mechanical.

Ngunit hindi raw dapat nararamdaman ang madalas na mabilis na tibok ng puso dahil posibleng indikasyon daw ito ng problema sa sirkulasyon o nutrients sa katawan.

Isa umano sa puwedeng kahinatnan ng problema sa mabilis na tipok ng puso ay "arrhythmia" kaya hindi dapat balewalain kung madalas na nakararamdaman ng palpitasyon at magpasuri sa cardiologist.

Panoorin ang pagtalakay ni Doc Oyie tungkol sa palpitasyon at iba pang usaping pangkalusugan tulad ng hindi regular na pagdumi.

Click here for more GMA Public Affairs videos:


-- FRJ, GMA News