Buto ang paboritong pagkain ng aso. Pero may malaking peligro na nakaamba sa kanilang kalusugan kapag bumara ito sa lalamunan gaya ng nangyari kay "Cardo" na isang buwan nang hindi makakain at halos buto't balat na nang makita sa lansangan sa Nueva Ecija nang masagip.
Sinagip siya ng isang animal welfare group at dinala kay Doc Nielsen Donato ng "Born To Be Wild" para mailigtas. Panoorin ang iba pang aso na nasagip din matapos na napabayaan at maging biktima ng pagmamaltrato.
Click here for more GMA Public Affairs video:
--FRJ, GMA News
