Sa murang edad na walo, pumasok na sa isipan ni Niño Dayon na ayaw niyang maging pabigat sa kaniyang mga magulang. Kaya kahit wala siyang mga kamay, nagagawa pa rin niya ang maraming bagay gamit ang kaniyang mga paa. Panoorin.
Sa kanilang bahay sa Barangay Locotan sa Kabankalan City, Negros Occidental, kinakaya ni Niño na magbihis na mag-isa, kumain na mag-isa, at tumulong sa mga gawaing-bahay tulad ng paglilinis ng pinggan sa pamamagitan ng dalawa niyang paa.
"Natuto na po ako na mag-isa paa hindi na sila mahirapan sa aki na tumulong," sabi ng bata. "Ako po ang tamatayo para sa sarili ko po."
Kaya rin niyang magkarpintero tulad paglalagare, pagpuktok ng martilyo, at magsibak ng kahoy.
Masipag din siyang mag-aral at honor student pa sa kanilang eskwelahan.
Nakapagsusulat din siya sa pamamagitan ng kaniyang mga paa. Pangarap nga niyang maging engineer upang matulungan ang kaniyang mga magulang.
Tunghayan ang kaniyang buong kuwento at ang sorpresang handog ng kaniyang idolo na si Alden Richards sa video na ito ng "Kapuso Mo, Jessica Soho."
Click here for more GMA Public Affairs videos:
--FRJ, GMA News
