Nang buksan ni Liezel at kaniyang asawa ang maliit nilang tuna grill noong 2016, pito lang ang lamesa nito at dalawa ang kanilang tauhan. Ngayon, 40 na ang kanilang lamesa at 26 na ang kanilang tauhan, bukod pa sa iba nilang negosyo.
Paano nga ba umasenso ang isang babae na dating pasaway sa pamilya noong kaniyang kabataan na halos araw-araw na pinapagilitan dahil laging gumimik at lasing pa kapag umuwi?
Alamin ang kuwento sa likod ng tagumpay ni Liezel, ang mga pagsubok na pinagdaanan nila ng kaniyang asawa, at ang kaniyang pagmamahal sa inang naging inspirasyon niya sa kusina at nagbigay sa kaniya ng recipe na pang-marinate sa inihaw nilang tuna na binabalik-balikan. Panoorin at kapulutan ng inspirasyon.
Click here for more GMA Public Affairs videos:
--FRJ, GMA News
