Isinugod sa ospital dahil sa pananakit ng tiyan at pagsusuka ang 17-anyos na dalagang itinagong sa pangalang Aurora. Nang masuri sa ospital at isailalim sa X-ray, nakita ang 50 karayom na nakakalat sa loob ng kaniyang katawan.

Ang kaniyang ina, inakala noong una na baka kinulam ang kaniyang anak. Pero nang suriin ng mga duktor, doon na natuklasan na nakaranas nang matinding despresyon ang dalagita kaya kumakain siya ng karayom.

Tunghayan ang buong kuwento tungkol kay Aurora at alamin ang kaniyang kalagayan ngayon sa video na ito ng "Kapuso Mo, Jessica Soho."


Click here for more GMA Public Affairs videos:

--FRJ, GMA News