Kinahihiligan ngayon ng mga Pinoy ang milk tea at nilalagyan pa ng twist na angkop sa ating panlasa. Pero alam ba ninyo na aksidente lang daw ang pagkakadiskubre sa milk tea sa Taiwan noong 1980s.

Sa programang "AHA!," sinabing nagsimula ang milk tea nang maisipan ng isang may-ari ng stall na haluan ng gatas ang kaniyang tsaa para maiba ang kaniyang produkto dahil marami na raw ang nagbebenta ng tsaa.

Ilang taon pa ang lumipas, sinubukan naman ng kaniyang staff na lagyan ng tapioca dessert ang tsaang may gatas, at nagulat silang nagustuhan ito ng mga tao.

Panoorin ang kakaibang twist na ginawa ni "Sahaya" leading man Miguel Tanfelix sa kaniyang milk tea business. Alamin ang epekto kapag labis ang pag-inom ng milk tea.


--Jamil Santos/FRJ, GMA News