Ang breast cancer ang isa sa mga pangunahing sakit na nagiging dahilan ng pagkamatay ng kababaihan. Pero ayon sa resident doctor ng programang "Pinoy MD," maaaring magkaroon ng ganitong sakit kahit walang nakakapang bukol sa dibdib.

Paliwanag ni Dr. Dave Ampil, bago magkaroon ng bukol, nagsisimula muna ang lahat sa calcification kaya maaaring magkaroon na ng cancer kahit walang masalat na bukol sa dibdib.

Kaya mahalaga umano na magkaroon ng regular checkup sa duktor ang mga kababaihang nasa edad 40 pataas para sumailalim sa mga pagsusuri tulad ng mammogram at ultrasound.

Tunghayan ang buong pagtalakay ni Dr. Ampil sa naturang isyu ng breast cancer, at paglilinaw kung may koneksyon ba ang pagsikip ng dibdib at nanakit ng ng puso kapag mayroong acid reflux. Panoorin.

Click here for more GMA Public Affairs videos:

--FRJ, GMA News