Ilang dekada nang bilanggo sa loob ng New Bilibid Prison ang 94-anyos na si "Lolo Jose" dahil sa kasong pagpatay noon. Sa kaniyang katandaan, ang tanging hiling niya ay ang makalaya na upang makapiling muli ang kanyang pamilya. Matupad na kaya ang kaniyang panalangin ngayong Pasko?

Tunghayan ang kuwento ng ilang nakatatandang bilanggo sa NBP, at alamin kung ano ang mga dahilan kung bakit mabagal ang pagproseso upang mapalaya ang mga matagal nang nakakulong, lalo na ang mga matatanda. Panoorin ang pagtutok sa isyung ito ng "Brigada."

Click here for more GMA Public Affairs videos:
 

--FRJ, GMA News