Noong nakaraang taon, may 2,000 insidente ng speeding accidents ang naitala ng Philipine National Police-Highway Patrol Group.

At isa sa mga dahilan, ang maling "speed perception" o pagtantiya ng rider sa bilis ng kanilang pagpapatakbo.

Sa programang "Alisto," sinabing lumabas sa ilang pag-aaral na nag-a-underestimate ng travel speed ang ilang rider sa rural roads, kapag maluwag ang kalsada o tuwing umaga.

Samantala, nag-o-overestimate naman ang mga rider sa mga kalsadang two-lanes, masisikip na kalye, at sa mga kalsadang may transverse pavement markings.

Payo ng mga eksperto, maaaring gamitin ang dash lines o putol-putol na linya para matantiya ang bilis ng pagpapatakbo. —Jamil Santos/LBG, GMA News