Sakay ng isang kariton na hinihila ng kalabaw, halos magsiksikan ang ilang guro makarating lamang sa Owaog Elementary School. Kilo-kilometrong lahar ang kailangan nilang tawirin at kung minsan ay lubog pa sa tubig para marating nila ang eskwelahan at makapagturo sa mga kapus-palad na bata na determinadong mag-aral.

Tunghayan sa episode na ito ng "Front Row" ang buwis-buhay na ginagawa ng mga guro, na hindi lang karunungan ang dinadala sa mga bata, kung hindi may kasama ring pagkain na kanilang nakukuha sa ilang nagbibigay ng donasyon. Panoorin ang kahanga-hanga nilang kuwento sa video na ito.



Click here for more GMA Public Affairs videos:

--FRJ, GMA News