Sa pagsisimula ng 2020, naalarma ang buong mundo nang lumabas mula sa China isang misteryoso at nakahahawang sakit na tinatawag ngayong novel coronavirus o 2019-nCoV, na ang sinasabing pinagmulan, mga exotic animals tulad ng paniki. Paano nga ba ito naiiwasan?
Sa programang “Pinoy MD,” binalikan kung paano kumalat ang 2019-nCoV, na sinasabing nagmula sa isang seafood market sa Wuhan, China.
Patuloy ang pagdami ng mga nagkakaroon ng sakit na ito, kung saan nakarating na rin ang 2019-nCoV sa iba’t ibang bansa tulad ng Amerika at Australia.
Hanggang sa may naitala nang casualties ng virus na 170 deaths at nakarating na rin ito sa Pilipinas.
Panoorin ang naging pagtalakay ng Pinoy MD tungkol sa pagkain ng mga paniki, at kung paano maiiwasan ang 2019-nCoV. — Jamil Santos/DVM, GMA News
