Naglabas ng bagong guidelines ang Kuwait kaugnay sa pagpasok sa kanilang teritoryo para maiwasan ang pagkalat ng 2019 coronavirus disease o COVID-19.

Sa ulat ng GMA News TV "Balitanghali" nitong Miyerkules,  inihayag ng Directorate for Civil Aviation ng Kuwait, kailangan magpakita ng health o PRC certificate na patunay na hindi infected ng sakit ang mga pasahero na papasok sa kanilang bansa na mula sa Pilipinas, India, Bangladesh, Egypt, Syria, Azerbaijan, Turkey, Sri Lanka, Georgia at Lebanon.

Ang pasahero na wala umanong maipakikitang clearance ay  kaagad na ipapa-deport. Pagmumultahin din ang airline company na nagsakay sa pasahero dahil sa paglabag sa naturang circular.

Hindi naman kasama sa naturang panuntunan ang mga residente ng Kuwait pero kailangan pa rin nilang sumailalim sa ilang health procedures.

Magiging epektibo ang bagong guidelines simula sa Marso 8.--FRJ, GMA News