Dahil sa magaganda at natatangi nilang mga atraksyon, maraming lugar sa Pilipinas ang kinagigiliwan at dinadayo ng maraming tao. Sa kabila nito, marami rin ang hindi maiiwasang matakot dahil sa mga misteryo umano na bumabalot sa kanila.

Balikan sa "Kapuso Mo Jessica Soho" ang mala-Avatar at mala-pantasya na Mossy Forest ng Compostela Valley, na bukod sa napakahirap puntahan, binabantayan din diumano ng mga diwata.

Muli ring bisitahin ang bahay ni Emilio Aguinaldo sa Kawit, Cavite, na sinasabing binabantayan daw ng isang kapre. Panoorin. -- Jamil Santos/FRJ, GMA News