Sa kabila ng krisis na hinaharap ng bansa dulot ng COVID-19, nananatili pa ring malikhain ng mga Pinoy na ibinase sa pandemya tema ang kanilang food businesses para na rin sa gimik.

Tiyak mapapabili ang customers sa food stand na "Swab Taste" na "Positive sa sarap, negative sa dumi." At kung nagmamadali naman, nariyan ang "Rapid Taste" na nag-aalok ng mga pagkaing swak na sa meryenda.

Panoorin sa "Pera Paraan" kung paano naisip ng ilang business owners ang kanilang konsepto, at kung paano nila pinananatiling patok ang kanilang negosyo.

--Jamil Santos/FRJ, GMA News