May katotohanan nga ba ang paniniwala ng ilan na mas lapitin ng lamok at kinakagat ang mga taong diabetic dahil "matamis" ang kanilang dugo?

Sa programang "Pinoy MD," ipinaliwanag ni Dr. Oyie Balburias, na bagaman may mga taong lapitan ng lamok, hindi naman daw ito bunga ng pagiging diabetic.

Ayon sa duktor, ang mga potensiyal na dahilan nito ay ang kanilang blood type o iba pang genetic components.

Sinabi pa ni Balburias na batay sa ilang pag-aaral, ang mga taong may Type O blood ay mas kinakagat ng lamok kaysa sa mga Type A.

Ngunit hindi pa raw tiyak kung ano talaga ang eksaktong component ng balat o protina ang gustong-gusto ng mga lamok para maging paborito nilang kagatin ang isang tao.

“But nothing to do with the blood sugar,” paglilinaw niya.

Alamin ang iba pang sagot sa mga padalang tanong tulad ng dahilan ng pagkakaroon ng vertigo, na mayroong dalawang uri: ang peripheral at central.

Bakit mas dapat ikabahala ang central vertigo? Panoorin ang video ng "Pinoy MD."

FRJ, GMA News