Nagiging katuwaan sa iba't ibang lugar sa bansa ang paboksing sa kalye lalo na kung may fiesta. Pero ang katuwaan, dapat bang magpatuloy kung maaari itong mauwi sa disgrasya?

Kamakailan lang, may inorganisang paboksing sa kalye sa Pasay kung saan naglaban sina Eric at Bambam. Sa unang round pa lang, makikitang nakakalusot na ang mga suntok ni Bambam sa mukha ni Eric.

Hanggang sa sumunod na round, natamaan ng solid na suntok sa panga si Eric at wala siyang malay na bumulagta sa kalye.

Maulit kaya ang malagim na trahedya sa mga ganitong uri ng palaro? Panoorin ang buong pagtalakay sa video na ito ng "Kapuso Mo, Jessica Soho." --FRJ, GMA News