Sa Instagram, nag-post ng kaniyang sexy photo si Kim Rodriguez kasabay ng pagkuwento sa kinasahang hamon na magbawas ng timbang. Nanalo kaya siya? Alamin.

Sa larawan, makikita ang pinaghirapan ni Kim na makamit ang magandang pangangatawan sa suot niyang two-piece swimsuit.

Sa caption, ikinuwento ni Kim na mayroon humamon sa kaniya na magbawas ng timbang sa loob ng isang buwan.

"I was 57kg that time. Every time I lose 1kg, I will get 20k, so if I lose 7kg, I will get 140k," saad ng Kapuso actress.

"If I won’t reach the goal, ako yung magbabayad kaya halos lahat ng gym naikot ko. Nov 16 is the last day," patuloy niya.

Gayunman, sinabi ni Kim na natalo siya sa challenge dahil 3kg lang ang nabawas sa kaniyang timbang. Pero kahit natalo, masaya si Kim sa naging resulta ng kaniyang pagbababad sa gym.

"I lost the challenge, however, I think I still won because I reached this dream body that I have now. I’m so proud of myself, even I lost the challenge," pahayag niya.

 

 

Nag-iwan din siya ng mga mensahe sa mga katulad niyang may nais makamit sa buhay.

"Don’t lose hope, give your best shot but don’t be so hard on yourself. You are reaching your goal, slowly but surely," sabi ni Kim.

May hiwalay na post din si Kim na tinawag niyang : "It’s tan o’clock"

 

 

--FRJ, GMA News