Walang takot na nag-post ng kaniyang nude photos ang American pop star na si Britney Spears sa Instagram.

Sa larawan, nakahubad si Britney at natatakpan lang ng kaniyang kamay ang kaniyang dibdib. Mayroon namang takip na heart sticker ang maselang bahagi ng kaniyang katawan.

"I love you all SSSSSSSSSOOOOOOOOOO much," saad ni Britney sa caption ng larawan.

Mayroon nang halos 800,000 like ang naturang post. Ang larawan ay pinaniniwalaang kuha bago niya nalaman na buntis siya sa kaniyang pangatlong anak.

Bago nito, may nauna na rin siyang post ng nude photo na nilagyan naman niya ng caption na: "Don’t underestimate the power of doing it myself and shooting with a selfie stick!!! Photo dump before there was a child. inside me!!!"

May mga follower ng American singer ang nababahala sa kaniyang emotional stability, pero ang iba, naniniwala na nais lang ni Britney na maipakita ang kalayaan sa sarili matapos manalo sa kaniyang kaso na conservatorship. —FRJ, GMA News