Nagpatupad ng ”smile policy” si Mulanay, Quezon Mayor Aristotle Aguirre para sa mga kawani at opisyal ng lokal na pamahalaan.

Ang naturang patakaran ay nakapaloob sa inilabas na executive order (EO) ni Aguirre, na kabilang sa mga flagship program ng lokal na pamahalaan.

Sa naturang EO, inuutusan ang lahat ng kawani at opisyal ng bawat departamento, tanggapan, units at sections ng lokal na pamahalaan na laging ngumiti kapag nagsisilbi sa kanilang mga kababayan.

Kailangan umano itong gawin para maipakita ang "calmness and friendly atmosphere" sa kanilang mga pinagsisilbihan.

Ang mga hindi susunod sa patakaran ay didisiplinahin batay sa isinasaad sa civil service code.--FRJ, GMA News