Kapag natapos na ang botohan, ang resulta naman ng May 12 midterm polls ang tutukan ng mga Pilipino, at maaari itong makita at masubaybayan sa Eleksyon 2025 website ng GMA.
Bisitahin lang ang GMA News Online at i-click ang eleksyon2025.ph para sa partial, unofficial election results para sa mga kadidatong senador, party-list, at maging sa mga lokal na posisyon.
Inaasahan na maipapadala ang election returns mula sa automated counting machines dakong 7 p.m., pagkatapos ng oras ng botohan, ayon sa poll body.
Kabilang ang GMA Integrated News sa mga media company na naka-link sa transparency server ng Commission on Elections para maipakita ang mga paunang resulta ng halalan sa publiko at election stakeholders.
Samantala, uupo naman ang Commission on Election en banc, bilang National Board of Canvassers, sa Lunes ng hapon para simulan ang pagbibilang ng mga boto, at maglalabas ng partial at official results ng May 2025 elections.— mula sa ulat ni Hana Bordey/FRJ, GMA Integrated News
For more Eleksyon 2025 related content and updates, visit GMA News Online's Eleksyon 2025 microsite.