Naglabas ng pahayag at humingi ng paumanhin ang lalaking driver ng isang sports car na nag-viral dahil sa kaniyang pagbi-video habang nagmamaneho.
Sa kaniyang post sa social media, na iniulat sa GTV News Balitanghali, humingi ng paumanhin si Josh Mojica kaugnay ng insidente, na naging dahilan para suspindihin ng Land Transportation Office (LTO) ang kaniyang lisensiya sa pagmamaneho.
"I'm not here to play victim. I'm here to own it," sabi niya sa post, kasabay ngpag-ako niya sa kaniyang pagkakamali.
"Yes, I was issued a Show Cause Order for using my phone while driving. No excuses. That was my mistake. I take full responsibility. I understand the weight of influence. I know people watch how I move, not just in business, but in life. That's a responsibility I carry with me every day, and I let that slip in this moment," saad niya.
Ayon kay Mojica, kinunan niya ang sarili dahil masaya siya sa kaniyang mga "milestone" sa buhay.
"But even in the moments of celebration, we have to stay sharp. I slipped. I'm learning from it. And I'm owning it like a man," sabi ni Mojica.
Nagpayo si Mojica na huwag gayahin ng mga nanonood ang kaniyang ginawa.
"To the youth watching: Don't copy my mistake. Don't copy the driving," aniya.
Bukod sa pagsuspinde sa kaniyang lisensiya, pinahaharap din si Mojica at ang may-ari ng sasakyan sa LTO office sa Hulyo 10 upang magpaliwanag sa insidente, at kung bakit hindi sila dapat parusahan.
Kung mapatutunayang may sala, pagmumultahin ng P10,000 si Mojica para sa paglabag sa Anti-Distracted Driving Act.
Maaari ding patagalin pa ang suspensiyon ng kaniyang lisensiya ng hanggang isang taon, o tuluyan na itong bawiin.
Inilagay din "under alarm" ang sports car na Porsche na kaniyang ginamit.
"Anuman ang klase ng sasakyan na minamaneho ay dapat matuto pa rin tayong sumunod sa mga batas trapiko. If the driver is indeed a content creator, then there is this responsibility for him to set a good example to his followers," sabi ni LTO chief Assistant Secretary Vigor Mendoza II.-- Jamil Santos/FRJ, GMA Integrated News
Driver na nag-video habang nagmamaneho ng sports car, humingi ng paumanhin; ipinatawag ng LTO
Hulyo 8, 2025 3:44pm GMT+08:00
