Sinubukan ng celebrity doc na si Vicki Belo na sumakay sa MRT sa unang pagkakataon para hindi mahuli sa concert na nais panoorin.
Sa TikTok, ibinahagi ni Dr. Vicki ang video ng karanasan niya sa pagsakay sa naturang pampublikong sasakyan.
Ayon kay Vicki, matindi ang bigat ng trapiko kaya pinili na lang niyang mag-MRT papunta sa Araneta-Cubao para panoorin ang concert ni Morrisette.
"Something I've never done before, I'm going to ride the MRT. I'm supposed to watch Morrisette and the traffic is so bad and I'm gonna be so late so ayan," saad ni Dr. Vicki.
"Mas mabilis nga ang MRT compared to a Ferrari in Metro Manila!" dagdagdag.
Ikinatuwa naman ng netizens ang ginawa ni Vicki at nanawagan sila sa gobyerno para sa mas maayos na public transportation system sa bansa.
"And this folks is why we should invest in public transpo," ayon sa isang netizen.
"Dapat talaga more MRT and LRT. Mas convenient 'yan 'pag madami," saad ng isa pa. —Jade Veronique Yap/FRJ GMA Integrated News

