Naging viral online ang video na makikita na aksidenteng nakain nang buhay ng presidente ng Costa Rica ang lumilipad na putakte na dumiretso sa kaniyang bibig.
Sa ulat ng GMA News TV's Balitanghali nitong Martes, nasa gitna ng panayam si President Luis Guillermo Solis Rivera nang biglang may putakte na lumipad sa kaniyang bibig at tuluyang niyang nakain.
Kuhang-kuha sa camera ang naturang kakatwang insidente na tinawanan mismo ng pangulo.
Natatawa niyang biro sa mga mamamahayag, purong protina ang kaniyang nakain. -- FRJ, GMA News

