Naka-display at guwardiyado sa isang chocolate fair sa Obidos sa Portugal ang itinuturing na pinakamahal na tsokolate sa mundo na umaabot ang halaga sa halos kalahating milyong piso. Bakit ganito ito kamahal? Alamin.

Sa ulat ng Reuters,  sinabing nababalot ang naturang tsokolate na hugis diyamante ng edible gold.

Mayroon din itong lalagyan na hugis korona na tadtad ng mahigit 5,000 Swarovski crystal, at may personalized pincers.

Ayon sa gumawa ng tsokolate na si Portuguese chocolatier Daniel Gomes, ang kaniyang obra ay sinertipikahan ng Guinness Book of Records na world’s most expensive chocolate.

Ang pagdisplay sa pambihirang tsokolate ni Gomes ay bahagi ng chocolate fair na makikita ang iba't ibang disenyo at uri ng tsokolate. -- Reuters/FRJ, GMA News