Naaliw at namangha ang mga netizen sa isang video na ini-upload sa social media na makikita ang isang gripo na sa halip na maglabas ng tubig, tila uhaw na uhaw sa paghigop ng tubig.

Sa ulat ng GMA News "24 Oras" nitong Martes, ipinakita ang video na ini-upload ni Jayr Dario, kung saan makikita ang gripo na walang inilalabas na tubig.

Nang tapatan niya sa nguso ng gripo ang maliit na lalagyan na may lamang tubig, biglang naubos at nawala ang tubig.

"Papainumin ko lang. Tingnan n'yo po ang dami po niyan. Grabe naman po oh, talagang ubos na ubos, uhaw na uhaw," biro ng nasa video.

Inaalam pa umano ng GMA News kung bakit at paano humihigop ng tubig ang pambihirang gripo.-- FRJ, GMA News