Hindi inasahan ng construction worker na si Jun na makakahukay siya isang kamao na tila gawa sa ginto sa isang bakanteng lote sa Nueva Vizcaya. May laki lang itong apat na pulgada pero tinatayang isang kilo raw ang bigat. Bahagi nga kaya ito ng pamosong "Golden Buddha?"
Bagaman may nag-alok na umano sa kaniyang bilhin ang kamao sa halagang P10,000, tumanggi si Jun dahil sa paniwala niyang na kung talagang ginto ito at bahagi ng Golden Buddha ay aabot umano sa P10 milyon ang halaga.
Para malaman ang katotohanan, pumayag si Jun na ipasuri ang kamao. Alamin ang resulta sa video na ito ng "Kapuso Mo, Jessica Soho."
Click here for more GMA Public Affairs videos:
--FRJ, GMA News
