Namatay ang isang lalaki sa Antique matapos na aksidente niyang malunok ang nahuli niyang tilapia.

Sa ulat ng GMA News "24 Oras" nitong Huwebes, kinilala ang biktima na si Roger Marcelino, isang barangay tanod sa Bugasong, Antique.

Kuwento ng anak ng biktima, nakaugalian na raw ng kaniyang ama na ipitin sa bibig ang tilapiang nahuhuli nito sa ilog.

Pero habang nasa bibig, nagpumiglas daw ang isda hanggang aksidente niyang malunok.

Dinala sa pagamutan ang biktima at doon na binawian ng buhay. --FRJ, GMA News