Nagpakilig ang isang senior high school student na nagbebenta ng paninda niyang Graham balls nang haranahan niya ang mga kapwa estudyante ng kantang "Bulong" sa Cainta, Rizal. Si Zel Bautista ng bandang "December Avenue," napahanga rin sa galing sa pag-awit ng estudyante.

Sa ulat ng GMA News "Unang Balita" nitong Martes, kinilala ang estudyante na si Mark Romeo Martinez ng ICCT Colleges, Cainta Main Campus.

Sinabi ng uploader na napadaan lang si Mark sa kanilang classroom para magbenta ng Graham ball na pandagdag sa kaniyang baon.

Pero kilala si Mark ng kanilang guro na kumakanta kaya pina-sample niya ang estudyante.

Sa galing sa pagkanta, maraming nabenta sa klase si Mark.

Nakatanggap din siya ng paghanga mula kay Zel Bautista ng bandang December Avenue matapos kantahin ni Mark ang "Bulong" na hit single ng banda.--Jamil Santos/FRJ, GMA News