Nito lang nakaraang linggo, maging usap-usapan sa Calatrava, Negros Occidental ang pagkamatay ng isang tatlong-buwang-gulang na sanggol na pinaniniwalaang kinagat umano ng aswang. Ang kawawang paslit, nakitaan daw ng apat na tila butas sa leeg.

Kuwento ng mga magulang ng bata, dakong 3:00 a.m. nang mapansin nila na hindi na gumagalaw ang bata, at napansin nila ang bakas ng dugo mula sa kagat sa leeg na pinaniniwalaan nilang kagat ng aswang.

Bago nga raw ang libing ng sanggol, nakita at hinabol pa ng ama ng biktima at ilan nilang kapitbahay ang pinaniniwalaan nilang aswang na nag-iba ng anyo at naging malaking pusa para makatakas.

Ngunit sa kabila ng kuwento ng mga magulang, iba ang hinala ng mga awtoridad na sanhi ng pagkamatay ng bata. Isang uri din ng hayop ang pinaghihinalaan nilang may kagagawan ng sakmal sa leeg  ng paslit. Panoorin ang buong episode na ito ng "Kapuso Mo, Jessica Soho."

Click here for more GMA Public Affairs videos:

--FRJ, GMA News