Sa edad na 25, nakapagpatayo na ng sarili niyang kompanya ang isang lalaki sa Cairo, Egypt dahil sa panghuhuli niya ng alakdan.
Sa ulat ng Reuters, sinabing iniwan ni Mohamed Hamdy Boshta ang kaniyang pinag-aralan bilang archaeologist upang maghanap ng mga alakdan sa disyerto at dalampasigan.
A young Egyptian finds a fortune in scorpions by extracting their venom for medicinal use https://t.co/ucFjIZxH9c pic.twitter.com/wEvGmnfR1G
— Reuters (@Reuters) December 9, 2020
Ang mga nahuhuli niyang alakdan, kinukuhanan niya ng verom o kamandag na kaniyang ipinagbibili.
Gumagamit si Boshta ng tiny electric current para maglabas ng kamandag ang mga alakdan na kaniyang iniipon.
Ang isang gramo ng kamandag, nagkakahalaga umano ng $10,000 na kaniyang ini-export sa Europe at Amerika.
Ang isang gramo ng kamandag ay kaya na raw gumawa ng 20,000 hanggang 50,000 doses ng antivenom. Nagagamit din daw ang kamandag bilang gamot sa iba pang sakit tulad ng hypertension.
Dahil sa kaniyang panghuhuli ng kamandag, naitayo ni Boshta ang Cairo Venom Company, na nangangalaga sa 80,000 iba't ibang uri ng alakdan, at mayroon din siyang mga ahas para kunan din ng kamandag para sa medisina.--Reuters/FRJ, GMA News

