Viral online ang video ng isang aso sa Aklan na maluha-luha nang malamang aalis ang kaniyang fur dad.

Sa ulat ng GMA Regional TV One Western Visayas, na iniulat din sa Unang Balita nitong Biyernes, mapapanood sa video ni Myckaela Rizan ang napakalungkot na si Chivas matapos malamang aalis ang among si Dwight Ramos.

Nag-abang pa si Chivas sa pinto.

Ayon kay Ramos, si Chivas ay aso ng kaniyang kasintahan, pero nang pumunta ang kaniyang kasintahan sa Maynila para magtrabaho, naiwan sa kaniya ang aso.

Itinuturing nang anak ngayon ni Ramos si Chivas. —Jamil Santos/LBG, GMA Integrated News