Nagdulot ng pagbigat sa daloy ng trapiko sa EDSA ang isang truck na may kargang helicopter.Sa ulat ng GMA News "24 Oras" nitong Martes, sinabing nangyari ang insidente nitong Linggo ng madaling araw.Patungo ang truck sa EDSA-Muñoz pero hindi ito makalusot sa EDSA-Balintawak bridge dahil sasabit ang karga niyang helicopter.Dahil sa insidente, nagdulot ito ng pagbigat sa daloy ng trapiko dahil kinailangan ng driver ng truck na ilang beses nagmaniobra.Sa huli, sinabi ng YouScooper na nakahanap ng ibang daanan ang driver ng truck. -- FRJ, GMA Integrated News