Sa araw ng mga ina, isang trahediya ang sinapit ng isang inang elepante sa Malaysia nang masagasaan ng truck at mamatay ang kaniyang anak. Ang inang elepante, pilit na itinutulak ang dambuhalang truck sa kagustuhang maisalba ang anak.Sa video ng GMA Integrated Newsfeed, makikita ang makadurog pusong eksena habang pilit na itinutulak ng inang elepante ang truck gamit ang kaniyang ulo.Ang limang-taong-gulang niyang anak na elepante, maaanig naman sa ilalim ng truck at hindi na gumagalaw.Madaling araw nang aksidenteng masalpok ng truck ang batang elepante sa isang highway sa Perak, MalaysiaBatay sa kuwento ng driver ng truck, inihayag ng awtoridad na bigla raw tumawid ang batang elepante papunta sa kaniyang ina.The driver noticed a large elephant grazing on the right shoulder of the road. Believing it was safe to proceed, the driver continued driving," ayon kay Supt. Zulkifli Mahmood, Gerik OCPD."However, moments later, a baby elephant suddenly emerged from the forest on the left side of the road and attempted to cros," dagdag niya.Ilang oras na pilit na itinutulak ng inang elepante ang truck para makuha ang kaniyang anak na marahil ay inaakala pa niyang buhay.Kilala ang mga elepante na mapagprotekta sa kanilang mga anak kaya hindi rin basta-basta malalapitan at mapapaalis ang inang elepante.Ngunit dahil sa insidente at hindi pag-alis ng elepante, naantala na ng ilang oras ang daloy ng trapiko. Posible ring maging panganib sa iba pang motorista ang elepante.Kaya napilitan na ang mga awtoridad na i-sedate na lang ang inang elepante at nilagyan ng kadena para maalis siya sa lugar, pati na ang truck at ang batang elepante sa ilalim.Ibinalik ang inang elepante sa gubat habang inilibing naman ang kaniyang anak.Patuloy ang isinasagawang programa ng kanilang pamahalaan para madagdagan ang elephant sanctuaries upang mailayo sila mula sa lugar ng mga tao.-- FRJ, GMA Integrated News