Imbes na katatakutan, napuno ng tawanan ang isang Halloween event sa Norzagaray, Bulacan matapos kumaripas ng takbo ang mga host nang habulin sila ng isang kandidatong nag-anyong halimaw.

Sa ulat ng State of the Nation, mapanonood ang pagtakbo ng host na si Don Manuson matapos siyang habulin ng kandidato na kinarir ang contest.

Maging ang co-host ni Manuson, napatakbo pababa ng entablado.

Pinusuan naman online ang eksena. — Jamil Santos/ VDV GMA Integrated News