Inanunsyo ng SB19 na magkakaroon ng Asian leg ang kanilang “PAGTATAG!” world tour.

Sa ulat ng “Balita Ko” nitong Martes, sinabing ito ang inanunsyo ng Pinoy pop kings sa Playlist concert Lunes ng gabi.

Nakasama rin ng SB19 ang Ben&Ben at si Zack Tabudlo.

Bago nito, dinala ng SB19 ang kanilang GENTO craze sa New York City nang magtanghal sila sa sikat na Times Square.

Pinainit na rin nila ang Hollywood Boulevard sa Los Angeles, California, at nagtanghal din sila sa Washington D.C. bilang bahagi ng kanilang Pagtatag! World Tour. — Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News