Nasa bansa ngayon ang buong miyembro ng girl group na KATSEYE, na Pinay ang tumatayong lider na si Sophia Laforteza.
Kasama rin sa grupo sina Manon, Lara, Daniela, Megan, at Yoonchae, na nasa ilalim ng pamamahala ng HYBE at Geffen.
Sa kanilang unang media conference sa bansa, tinanong ang global girl group kung sino sa mga Filipino stars ang nais nilang maka-collaborate.
Ayon kay Sophia, nakasalamuha nila kamakailan si Liza Soberano sa New York Fashion Week.
Inilarawan ni Sophia ang kanilang karanasan na makasama si Liza bilang "absolutely insane," at sinabing "a goddess in person" ang aktres.
"I couldn't breathe. Like, literally, she was so pretty. I was shook. She was gorgeous. So yeah, we'd love to do something with her," saad naman ng Indian-American member na si Lara, sinang-ayunan naman ng kaniyang mga kasamahan.
"Hopefully like a cute TikTok with her or something. Maybe a movie?" masayang dugtong ni Sophia.
Nakita rin nila ang mga TikTok videos ni hey've also seen Niana Guerrero na sumasayaw sa kanilang mga awitin.
"I show her videos a lot to the girls. She's so cute, especially her little sister. That'll be really cool," ani Sophia.
Sa Miyerkules, bibisita ang grupo sa noontime show na "It's Showtime."
Matapos ang naturang guesting, magkakaroon ang grupo ng fan showcase na KATSEYE: Touchdown in Manila sa ganap na 6 p.m. sa Taguig City.
Ang KATSEYE ay nabuo mula sa survival reality show na The Debut: Dream Academy.
Matapos mag-debut ng grupo nitong Hunyo, ni-release na rin nila ang kanilang EP na "SIS" o "Soft is Strong," na nirerepresenta ang kanilang sisterhood.
Kinagiliwan din ng marami ang latest single nila na "Touch," na ginawan pa ni Sophia ng Taglish version.-- mula sa ulat ni Carby Basina/FRJ, GMA Integrated News
