Inilahad ng Kapuso actor na si Alden Richards na ang tumandang mag-isa ang pinaka-kinatatakutan niyang mangyari sa kaniyang buhay.
"Siguro my fear is... wow. I might grow old alone," saad ni Alden sa unang bahagi ng panayam ni Nelson Canlas para sa GMA Integrated News na ipinalabas sa GMA News "24 Oras" nitong Martes.
"Minsan kasi wala na talaga akong pakialam sa sarili ko eh, mas 'yung mga importante muna. So ngayon lang siya dumating sa akin. Just now. And I said it. "That's my fear. I might grow old alone and I don't want that to happen," dagdag pa niya.
Sinabi rin ni Alden, 33-anyos, na nararamdaman niya ang pressure na kaakibat ng pagtanda. Ngunit naniniwala siyang nakukuha ng bawat tao ang nararapat para sa kaniyang buhay.
Nabanggit din niya na pumasok din noon sa isipan niya ang umalis na sa showbiz dahil sa mild burnout.
Ngayon, ipagdiriwang ng aktor ang kaniyang ika-15 taong anibersaryo sa showbiz industry. Sa December 13, magkakaroon siya ng fan meet sa Santa Rosa City, Laguna Multi-Purpose Complex.
Pinamagatang "ARXV: Moving ForwARd," ang pagtitipon na pasasalamat ni Alden sa mga tao na naging bahagi ng kaniyang 15 taon sa showbiz. —FRJ GMA Integrated News
