Inihayag ng Sparkle artist na si Angel Leighton ang mga katangiang hinahanap niya sa isang lalaki. Sino kaya ang masuwerteng magwawagi sa kaniyang puso sa blind date game sa The Boobay and Tekla Show?

Sa nakaraang episode ng The Boobay and Tekla Show, tinanong ng mga host na si Tekla at Boobay si Angel kung choosy ba siya pagdating sa lalaki, na sinagot niya na “depende.”

Inilahad niya ang mga katangiang hinahanap niya sa potensiyal na nobyo.

“Gusto ko lang naman na, una talaga gusto ko faithful. Kasi mahirap na ngayon eh. ‘Di ba, mahirap maghanap ng loyal. Wala nang loyal sa Pilipinas. Ang hirap nang hanapin,” sabi ni Angel.

“Gusto ko talaga may trabaho… And siyempre masipag at kaya kang ipaglaban,” dagdag niya tungkol sa mga hinahanap niya sa lalaki.

Sa blind date segment ng TBATS na “Pusuan Na ‘Yan!,” sina Shaun Salvador (theater student), Erik Gudelano (freelance model, Miss International Philippines 2024 candidate), at Adi Cruz (copywriter, aspiring novelist), ang pagpipilian ni Angel na posible niyang maka-date..

Sino kaya ang masuwerteng lalaki na kaniyang mapipili? Panoorin ang video.

--FRJ GMA Integrated News