Hindi mapigilang maging emosyonal ni Ashley Rivera sa pagbibigay ng update tungkol sa pakikipaglaban ng kaniyang ina sa stage 4 lung cancer.
“Almost three weeks na kaming nasa hospital. Highs and lows talaga na iniisip ko, ‘Oh my gosh, hanggang kailan na lang ba ‘to?’ or 'yung mawawalan ka ng hope. Kasi, ang payat niya na tapos hirap na hirap na siya. Tapos alam ko na hindi ko dapat pinapakita na umiiyak ako,” sabi ni Ashley sa kaniyang guesting sa podcast ni Kara David na “I-Listen.”
“Kasi siya mismo, nawawalan ng pag-asa kapag nakikita niyang lahat kami na malungkot,” pagpapatuloy niya.
Idinadaan ni Ashley sa pagpapatawa para patatagin ang kaniyang ina. Ngunit pag-amin niya, nahihirapan din siyang itago ang kaniyang lungkot.
“I try my best to smile and to make her laugh. So, ito naman, 'yung umiiyak ako sa hospital tapos ‘pag titingin siya sa akin, sabi ko, ‘Acting lang. Acting workshop lang ‘to Ma, artista ako eh.’ Ang hirap na hindi ipakita na nahihirapan ako, na nalulungkot ako, na nasasaktan ako,” sabi niya.
“It's so hard seeing my mom and my best friend going through all that na I feel so helpless,” pagpapatuloy ni Ashley.
Kung kaya naman maituturing ni Ashley na “blessing” at “miracle” ang bawat araw na kapiling pa rin niya ang ina.
Isa sa mga content ni Ashley nang kantahan niya ng “You Are My Sunshine” habang nasa ospital ito.
Sa likod nito, nakaranas ng seizure ang kaniyang ina noong araw ding iyon.
“And then later that day, du’n ko first time makita 'yung mom ko na nag-seizure. I didn't even know na seizure na pala 'yung nangyayari na 'yun. Bigla na lang siya parang nanginginig tapos 'yung eyes niya nag-roll na tapos 'yung teeth niya 'yung parang naninigas na ganiyan.”
Kuwento pa ni Ashley, inakala niyang mamamaalam na noon ang ina.
“Tapos nakaka-panic because you don't know what to do and you're just there and pinapanood ko lang siya tapos naka-oxygen mask siya and I was holding her hand and she said ‘Hindi ko na kaya. I have to go. I love you.’ Akala ko talaga ‘yun na 'yon,” sabi ni Ashley.
“I really thought na nagpapaalam na siya, parang ‘Wait, Ma, Ma. Hang in there,” sabi pa niya.
Sa awa ng Diyos, nag-stabilize din ang kaniyang ina.
Ngunit pag-amin ni Ashley, “nakaka-trauma ‘to. Hindi ko ma-process lahat. It's going like so slow and so fast at the same time na I can't believe it's been two months na pala of this whole ordeal.”
Nagpadala ng mensahe ng pagpapakatatag ang mga mahal sa buhay at kaibigan ng pamilya ni Ashley.
Stretch kung stretch. But every single day, kahit ano pa ‘yan, good or bad day, I still have to show up. I have to show up for myself and I have to show up for her,” saad niya.
Inihayag ni Ashley ang pag-asa na balang araw, malalampasan nila ang pagsubok.
“And I really do believe in miracles. And nakikita ko ‘yun sa mom ko and I'm really thankful na she's so loved. She's loved by so many people. And I know na we are divinely protected kasi ibang klase 'yung yung pain na pinagdadaanan ng mom ko and buti na nalalabanan niya.”
Abril 1 nang ipaalam ni Ashley sa publiko na may cancer ang kaniyang ina.—FRJ GMA News
