Labis ang pasasalamat at ikinalulugod ng Asia's Romantic Balladeer at Kapuso star na si Christian Bautista ang pagkilala na iginawad sa kaniya ng lokal na pamahalaan ng Maynila.

Sa ulat ng GMA news "24 Oras" nitong Miyerkules, tinanggap ni Christian ang "Patnubay ng Sining at Kalinangan" award mula mismo kay Manila Mayor Joseph Estrada.

Ang pagkilala ay iginawad kay Christian dahil sa kaniyang naging ambag sa larangan ng musika sa Pilipinas at maging sa international scene.

Napapanood ngayon si Christian sa Kapuso primetime series na "My Love from the Star" bilang si Winston.

Samantala, nakatanggap naman ng Gatpuno Villegas Award ang Mowelfund matriarch na si Boots Anson-Roa.

Habang ginawaran naman ang Philippine Educational Theater Association founder na si Cecile Guidote-Alvarez, ng Likha ng Diwa Award. -- Jamil Santos/FRJ, GMA News