Ang 16-anyos na Cebuana na si Golden Cañedo ang kauna-unahang "The Clash" grand champion na kabilang sa natanggap na premyo ay house and lot.

Sa Starbites report ng GMA News TV "Balitanghali" nitong Lunes, sinabing nahigpit na karibal ni Golden sa kompetisyon si Jong Madaliday na kaniyang pinataob sa kanilang one-on-one round.

Bukod sa tropeo, nag-uwi rin ang young singer ng P1 milyon, Bria house and lot, kotse at GMA contract.

Ayon kay Golden,  hindi niya akalaing mananalo siya at excited na raw siya sa mga oportunidad na darating sa kaniya.

Mapapanood si Golden at iba pang "Clashers" sa upcoming musical variety show na "Studio 7". -- FRJ, GMA News