Kung si Kyline Alcantara ang papipiliin ng artistang hindi pa niya nakakasama sa proyekto na gusto niyang makatrabaho, ito ay ang aktres na si Cherie Gil na beterana na pagdating sa pagiging kontrabida.
Sa bloggers' conference at finale preview ng Inagaw Na Bituin sa GMA Network nitong Biyernes, binanggit din ni Kyline si Maricel Soriano na gusto niyang makasama sa mga intense na eksena.
Kyline Alcantara joins the fans and bloggers at the Inagaw Na Bituin finale preview today. @gmanews pic.twitter.com/bC6L21jyNt
— Jamil Santos (@Jamil_Santos02) May 17, 2019
"Cherie Gil talaga, or Maricel Soriano. Gusto ko talaga 'yung mga intense. Iba kasi talaga 'yung pakiramdam 'pag galing ka sa isang intense na eksena with great actors and actresses. Iba 'yung pakiramdam kapag lumabas ka sa set na 'yun, parang, Oh my God, nakaka-iba, iba sa pakiramdam. Nakaka-fulfill as an actor."
Paghahayag pa ni Kyline: "Gusto kong sampalin nila ako!"
"Actually na-meet ko na si Ms. Cherie Gil. Sabi ko sa kaniya, 'Puwede po bang sampalin niyo ako?' Pero hindi siya pumayag, sadly. Pero malay niyo pumayag siya sa future," natatawang sabi ni Kyline.
Natanong si Kyline kung ano ang nagustuhan niya sa estilo ni Ms. Cherie Gil.
"Super iba siya. 'Pag nagsasalita siya papakinggan mo talaga siya. And I'm sure kapag naka-work ko po siya, sana maka-work ko siya, marami akong matututunan sa kaniya."
Nagtapos na ang afternoon series na "Inagaw Na Bituin" nitong Biyernes, Mayo 17, na napuno ng intense drama at action.
"Never give up lang talaga and maa-apply ko din naman po 'yun sa sarili ko na hindi mag-give up sa buhay, hindi mag-give up sa career," saad ni Kyline sa Chika Minute report ni Cata Tibayan sa 24 Oras, tungkol sa kaniyang natutunan sa series.
—KG, GMA News
