Hawak na ng pulisya ang lalaking suspek sa pagmartilyo sa isang babaeng kawani ng Manila City Hall matapos siyang sumuko kay Mayor Francisco "Isko Moreno" Domagoso nitong Martes ng gabi.
Ayon sa Manila Public Information Office, inamin ng 46-anyos na si Eric Capulong ang pagpatay sa kaniyang kinakasamang si Concepcion Baldad na empleyado ng Manila Traffic and Parking Bureau.
Selos ang dahilan kung bakit niya napukpok ng martilyo sa ulo si Baldad na nais na raw makipaghiwalay, ayon sa pulisya.
Salaysay ni Capulong, nakita niya ang social media post ng biktima kasama ang umano'y kalaguyo nito.
Post sa Facebook, isa sa naging ugat ng matinding selos ng suspek na si Eric Capulong para martilyuhin sa ulo at patayin ang kinakasamang si Connie Romero @dzbb pic.twitter.com/GrUtMEUc8h
— Luisito Santos (@luisitosantos03) September 24, 2019
"Picture po niya tapos nasa likod niya po 'yung lalaki tapos po may emoji doon na may words na waiting... emoji na nakakindat doon sa front ng lalaki tapos may kiss po na may heart," ayon sa suspek.
Nauwi sa madugong krimen ang away nilang dalawa.
Isinugod pa ng mga kamag-anak sa ospital ang biktima pero idineklara na siyang dead on arrival.
Labis ang paghihinagpis ng kapatid ng pinatay na empleyado ng Manila City Hall kasunod ng pagkakaaresto sa suspek sa krimen @dzbb pic.twitter.com/aTTuOgnuFd
— Luisito Santos (@luisitosantos03) September 24, 2019
Personal namang nakausap ni Moreno ang naghihinagpis na kapatid at anak ni Beldad.
Lima ang anak ng biktima, dalawa rito ay kay Capulong at tatlo sa naunang karelasyon, ayon sa ulat ni Vonne Aquino sa Unang Balita ng GMA News nitong Miyerkoles.
Nangako si Moreno ng tulong pinansiyal sa limang anak ng biktima.
Nagpasalamat naman ang anak ng biktima na si Aichel na nagkaroon ng hustisya ang pagkamatay ng kanyang ina.
Para kay Moreno, posible na itong ituring na case closed matapos aminin ng suspek ang krimen.
Para kay Manila Mayor Isko Moreno, maituturing nang case closed ang pagpatay sa isang empleyado ng Manila City Hall kasunod ng pag amin sa krimen ng sumukong suspek @dzbb pic.twitter.com/FRWlYvnOyK
— Luisito Santos (@luisitosantos03) September 24, 2019
"Most likely umamin naman na siya eh so haharap naman siya, makakasuhan siya. Kung ako rin naman sa kanya, tutal ginawa naman niya, aminin na niya nang buong buo. Makipag-ugnayan na lang siya sa pamilya ng biktima. Kahit papaano kung anu't ano man, eh naaawa ako sa dalawang bata, at least mayroon pa silang makikita although I don't know the effect," ani Moreno sa panayam ni Luisito Santos sa Dobol B sa News TV.
Para kay Manila Mayor Isko Moreno, maituturing nang case closed ang pagpatay sa isang empleyado ng Manila City Hall kasunod ng pag amin sa krimen ng sumukong suspek @dzbb pic.twitter.com/FRWlYvnOyK
— Luisito Santos (@luisitosantos03) September 24, 2019
Sinabi rin ni Mayor Isko na may makakakuha ng P100,000 na pabuya kasunod ng pagsuko ng suspek.
"Yes. 'Di ko lang alam kung tatanggapin niya. Kasi hindi naman niya, hindi 'yon ang interes niya," ani Moreno.
Manila Mayor Isko Moreno, tiniyak na may makakakuha ng P100,000 pabuya kasunod ng pagsuko ng suspek sa pagpatay sa isang Manila City Hall employee @dzbb pic.twitter.com/wT5B4UMBop
— Luisito Santos (@luisitosantos03) September 24, 2019
—Dona Magsino/KG, GMA News
