Wala nang buhay nang matagpuan ang isang siyam na taong gulang na babae matapos siyang mahulog sa kanal at tangayin ng rumaragasang baha sa Iligan City matapos subukang kunin ang nalaglag niyang tsinelas.

Sa ulat ng GMA Regional TV sa Balitanghali nitong Biyernes, sinabing nahulog sa kanal sa Barangay Puga?an ang estudyante nitong Miyerkoles.

Isinalaysay ng pinsan ng biktima na kasama nito, sinubukan ng batang babae na kunin ang nalaglag niyang tsinelas.

Ngunit nadulas ang bata, nahulog sa kanal at tinangay ng rumaragasang tubig.

Batay sa kumpirmasyon ng mga taga-Iligan City DRRMO, nakita na ang bangkay ng bata sa Barangay Tubod.

Sinisikap pang kunan ng kanilang panig ang pamilya ng biktima.-- Jamil Santos/FRJ GMA Integrated News