Itinaas na ang Storm Signal No. 1 sa 21 lugar sa bansa habang lumalapit ang bagyong “Uwan” na may posibilidad na maging isang super bagyo.
Batay sa tropical cyclone bulletin ng PAGASA nitong Biyernes, namataas ang bagyo 1,175 kilometers east ng Eastern Visayas na taglay ang pinakamalakas na hangis na 110 kph at pagbugso na hanggang 135 kph.
Signal No. 1 sa mga lugar ng:
- Southeastern portion ng Quezon (Tagkawayan, Guinayangan, Calauag, Lopez, Buenavista, Catanauan, Mulanay, San Narciso, San Andres, San Francisco),
- Eastern portion ng Romblon (Cajidiocan, San Fernando, Magdiwang)
- Camarines Norte
- Camarines Sur
- Catanduanes
- Albay
- Sorsogon
- Masbate
- Northern Samar
- Eastern Samar
- Samar
- Biliran
- Leyte
- Southern Leyte
- Northern at Central portions ng Cebu (Medellin, Daanbantayan, City of Bogo, Tabogon, San Remigio, Tabuelan, Borbon, Sogod, Tuburan, Catmon, Carmen, Danao City, Compostela, Liloan, Consolacion, Lapu-Lapu City, Mandaue City, Cordova, Asturias, Cebu City, Balamban, City of Talisay, Toledo City, Minglanilla) including Bantayan and Camotes Islands
- Northeastern portion ng Bohol (Getafe, Talibon, Buenavista, Trinidad, San Miguel, Ubay, Alicia, Mabini, Bien Unido, Pres. Carlos P. Garcia)
- Northern portion ng Negros Occidental (City of Escalante, Toboso, Sagay City, Cadiz City, Calatrava, Manapla)
- Northeastern portion ng Capiz (President Roxas, Pilar, Panay, Pontevedra)
- Northeastern portion ng Iloilo (Carles, Estancia, Balasan, San Dionisio, Concepcion, Batad, Sara, Ajuy)
- Dinagat Islands
- Surigao del Norte
“Minimal to minor impacts from strong winds are possible within any of the areas under Wind Signal No. 1. The highest Wind Signal that will likely be hoisted throughout its passage is Wind Signal No. 5,” ayonsa PAGASA.
“Severe winds, heavy rainfall, and storm surges may occur outside the confidence cone,”dagdag nito.
WALANG PASOK: Mga suspendidong klase sa Sabado (Nov. 8) at Lunes (Nov. 10) dahil sa bagyong 'Uwan'
Inaasahan na papasok sa PAR ang bagyo ngayong Biyernes o madaling araw ng Sabado.
Batay sa pagtaya ng PAGASA sa ngayon, posibleng mag-landfall si Uwan sa southern portion ng Isabela o sa northern portion ng Aurora sa Linggo ng gabi o madaling araw ng Lunes.
Masusing binabantay si Uwan na kung magiging isang super bagyo ay maaaring umanong mangyari sa Sabado ng gabi o umaga ng Lunes.
Sa ulat ng GTV News Balitanghali nitong Biyernes, sinabing posibleng makaranas ng rapid intensification o biglang paglakas ang bagyo habang tinatahak nito ang Philippine Sea sa pagpasok nito sa PAR. – mula sa ulat ni Jiselle Anne Casucian/FRJ GMA Integrated News

