Kalunos-lunos ang sinapit ng isang aso, na namatay matapos itong magulungan ng AUV sa Bangued, Abra.
Sa ulat ng 24 Oras Weekend nitong Sabado, mapanonood sa CCTV na patawid sana sa gitna ng kalsada ang aso nang magulungan ito ng AUV.
Sa halip na huminto, nagpatuloy lang sa pagmamaneho ang driver ng AUV.
Nagpaalala ang mga awtoridad sa mga pet owner na maging responsable sa kanilang mga alagang hayop, at sa mga motorista na maging alerto at mag-ingat sa pagmamaneho. — Jamil Santos/VBL GMA Integrated News
