Nasawi ang isang pulis matapos siyang pagbabarilin habang nasa isang lamay sa Barangay Tipanoy sa Iligan City nitong Linggo ng madaling araw.

Sa ulat ng GMA Regional TV nitong Lunes, sinabing miyembro ng Iligan City Mobile Force Company ang biktima, batay sa impormasyon mula sa Iligan City Police Office (ICPO).

Lumabas sa imbestigasyon na bigla na lang nilapitan ng salarin ang biktima habang nasa lamay at ilang beses na pinagbabaril.

Tumakas ang salarin matapos ang krimen at patuloy na tinutugis ng mga awtoridad.

Inaalam din ng mga pulis ang motibo sa krimen.

“We extend our deepest sympathies to the family of our fallen personnel. We urge the public to remain calm and to cooperate with authorities as we continue to ensure peace and order in the city.” Further updates will be released as the investigation progresses,” ayon kay ICPO Director, Police Colonel Jerry Tambis. – FRJ GMA Integrated News